Fact Sheet Logo
Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng Amerika • Tanggapan para sa mga Serbisyong Sibil • Washington, D.C. 20201, • 202-619-0403

ANG IYONG MGA KARAPATAN SA ILALIM NG SEKSIYON 504 NG BATAS NG REHABILITASYON.

Ano ng Seksiyon 504?

Ang seksiyon 504 ng Batas ng 1973 ng rehabilitasyon ay isang pambansang batas na nangangalaga sa mga kwalipikadong indibidwal mula sa diskriminasyon batay sa kanilang kapansanan. Ang mga kinakailangan ng walang diskriminasyon ng batas ay umaaplay sa mga organisasyon na tumatanggap ng tulong pang pinansiyal mula sa anumang departamento o ahensiyang Pederal, kabilang ang U.S. Department of Health and Human Services (DHHS). Ang mga organisasyon at mga maypatrabaho ay bumubuo ng maraming ospital, paalagaan ng mga matatanda, gusali para sa kaisipang pangkalusugan, at ng mga programa ng serbisyong pantao.

Pinagbabawalan ng Seksiyon 504 ang mga organisasyon at mga pinagtratrabahunan na di-isinasama o tinatanggihan ang mga indibidwal na may mga kapansanan ng sapat na oportunidad na tumanggap ng mga benepisyo at mga serbisyo. Ipinapaliwanag nito ang mga karapatan ng mga indibidwal na may mga kapansanan na makilahok, at magkaroon ng paggamit sa mga benepisyo ng mga programa at ng mga serbisyo.

Sino ang Pinangangalagaan sa Diskriminasyon?

Ang Seksiyon 504 ay pinangangalagaan ang mga kwalipikadong indibidwal na may mga kapansanan. Sa ilalim ng batas na ito, ang mga indibidwal na may mga kapansanan ay ang mga taong may mga pisikal at kaisipang kahinaan na sadyang nalilimitahan ang isa o pangunahing gawaing pangkabuhayan. Ang mga taong may historya ng, o yaong itinuturing na maykapansanan kahinaang pisikal o kaisipan na sadyang nakasasagabal sa isa o pangunahing gawaing pamumuhay, ay sakop din. Ang mga pangunahing gawaing pamumuhay ay kasama ang pangangalaga sa sarili, paglalakad, paningin, pandinig, pagsasalita, paghinga, pagtatrabaho, paggawa ng mga mano-manong gawain, at pagkakatuto. Ang mga halimbawa ng mga kahinaan na sadyang makakalimita ng mga pangunahing gawaing pangkabuhayan, kahit na mayroong tulong ng gamot o tulong/kasangkapan ay: AIDS, gumon sa alak, pagkabulag o kahinaan ng pagtingin, kanser, pagkabingi o kahinaan sa pagdinig, dayabetes, gumon sa droga, sakit sa puso, at sakit sa kaisipan.

Para sa karagdagan sa pag-aabot sa nasa itaas na paliwanag, para sa mga layunin ng pagtanggap ng mga serbisyo, edukasyon, o mga pagsasanay, ang mga kwalipikadong mga indibidwal na may mga kapansanan ay ang mga taong nakaaabot sa normal at pinakamahalagang pangangailangan sa eligibilidad.

Para sa mga layunnin ng trabaho, ang kwalipikadong indibidwal na may kapansanan ay ang taong may mga makatwirang akomodasyon ay makakaganap sa pinakamahahalagang tungkulin sa pagganap ng trabaho na kanilang hiniling o natanggap sa pagganap. (Ang mga reklamo na pinaghihinalaang diskriminasyon sa pagtatrabaho susog sa disabilidad laban sa isang tao ay isasangguni sa U.S. Equal Employment Opportunity Commission para sa proseso.) Ang ibig sabihin ng makatwirang pagtanggap ay kinakailangang ang pinagtatrabahunan ay magsagawa ng makatarungang mga hakbang upang matanggap ang iyong kapansanan maliban na lamang kung ito ay ipaghihirap ng pinagtatrabahunan.

Ang mga ipinagbabawal na diskriminatoryong akto

Ang pinagbabawal ng Seksiyon 504 laban sa diskriminasyon ay tumutukoy sa magagamit na serbisyo, aksesibilidad, paghahatid, pagtatrabaho at ang administratibong mga gawain at mga responsibilidad ng mga organisasyon na tumatanggap ng Pederal na tulong-pinansiyal. Ang tumatanggap ng Pederal na tulong-pinansiyal ay hindi maaring, batay sa kapansanan:

Ang mga ito at iba pang mga pagbabawal laban sa diskriminasyon batay sa kapansanan ay matatagpuan sa regulasyon ng DHHS Seksiyon 504 sa 45 CFR ika-84 na Bahagi.

Para sa impormasyon kung paano magsampa ng reklamo sa diskriminasyon, o para kumuha ng impormasyon sa uri ng mga karapatang sibil, mangyaring tumawag sa amin. Ang mga empleyado ng OCR ay gagawin ang lahat ng makakaya upang magbigay ng mabilis na serbisyo.

Hotlines 1-800-368-1019 (voice) 1-800-537-7697 (TDD)
E-mail: ocrmail@hhs.gov Website: http://www.hhs.gov/ocr

(H-8/June 2000)
Your Rights under Section 504 of the Rehabilitation Act