Fact Sheet Logo
Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng Amerika • Tanggapan para sa mga Serbisyong Sibil • Washington, D.C. 20201, • 202-619-0403

ANG IYONG MGA KARAPATAN SA ILALIM NG SEKSYON 504 AT NG BATAS NG MGA AMERICANONG MAY KAPANSANAN.

Ang Tanggapan para sa mga Karapatang Sibil (Office for Civil Rights-OCR) sa loob ng Kagawaran ng Kalusugan at mga Serbisyong Pantao ng America ay siyang responsable para sa pagpapatupad ng mga kinakailangan sa walang diskriminasyon ng Seksyon 504 ng Batas ng Rehabilitasyon ng 1973, at Titulo II ng Batas ng mga Amerikanong may Kapansanan (Americans with Disabilities Act - ADA) ng 1990, na may kaugnayan sa pangangalaga sa kalusugan at mga tagapagbigay ng mga serbisyong pantao at mga institusyon.

ANO ANG MGA IPINAGBABAWAL SA ILALIM NG SEKSYON 504 AT NG ADA?

Parehong ipinagbabawal ng Seksyon 504 at ang ADA ang mga saklaw na mga entidad mula sa pagdidiskrimina laban sa mga tao na may mga kapansanan sa probisyon ng mga benepisyo o serbisyo o ang pagpapalapat ng mga programa at mga gawain batay sa kanilang kapansanan. Ang Seksyon 504 ay tumutukoy sa mga programa o mga gawain na tumatanggap ng Pederal na tulong pinansiyal. Ang Titulo II ng ADA ay sumasakop sa lahat ng mga serbisyo, mga programa, at mga gawain na ipinatatakbo ng pampublikong entidad (estado at lokal na mga pamamahalan, mga departamento, mga ahensiya, at iba pa.), kabilang and pagpapalisensiya. SINO ANG PINOPROTEKTAHAN SA ILALIM NG SEKSYON 504 AT NG ADA?

Ang Seksyon 504 at ang ADA ay pinoprotektahan ang mga kwalipikadong mga indibidwal na may kapansanan. Ang indibidwal na may kapansanan ay ang tao na may pisikal o mental na kahinaan na lumilimita sa isa o higit sa isang mga mahahalagang gawain sa buhay; may talaan ng gayung kahinaan; o itinuturing na may gayong kapansanan. Ang mga pangunihing aktibidad sa pamumuhay ay nangangahulugan ng pagpapahalaga sa sarili, pagsasagawa ng mga gawaing pisikal, paglalakad, paningin, pakikinig, pagsasalita, paghinga, pagkatuto at pagtatrabaho. Sa ilalim ng Seksyon 504 at ang ADA, ang isang tao ay kwalipikadong indibidwal na may kapansanan kung natugunan niya ang mga kinakailangan para sa pagtanggap ng mga serbisyo o mga benepisyo, o partisipasyon sa mga programa o mga aktibidad ng isang sakop na entidad. Ang katanungan na kung ang isang kapansanan ay nakapaloob sa Seksyon 504 at ang ADA ay pinagpapasiyahan depende sa kaso.

ANO ANG PISIKAL AT MENTAL NA KAPANSANAN?

Kabilang sa mga pisikal at mental na kapansanan na nabibilang nguni't di limitado sa: paningin, pagsasalita, at mga kapansanan sa pandinig, huli sa pag-iisip, emosyonal na kapansanan, at mga kapansanan sa pagkatuto; "cerebral palsy"; epilepsya; "muscular dystrophy"; "multiple sclerosis"; ortopedik na kondisyon; kanser; mga karamdaman sa puso; dayabetes; at mga nakakahawa at mga di-nakakahawa na mga karamdaman katulad ng tuberkulosis at "HIV"(pati sintomas at di-sintomas).

ANG MGA TIYAK NA KINAKAILANGAN

Ang mga sakop na entidad ay kailangang hindi:

Ang mga sakop na entidad ay kailangang:

SINO ANG MAAARING MAGSAMPA NG REKLAMO SA OCR?

Ang sino mang indibidwal na naniniwala na siya o ang isang indibidwal o grupo ng mga indibidwal ay napasakop sa diskriminasyon batay sa mga kapansanan, sa pangkalusugan o sa mga programa sa serbisyong pangtao o mga gawain na isinagawa na sakop na entidad, ay maaaring magsampa ng reklamo sa OCR. Ang mga reklamo ay kailangang isampa sa loob ng 180-araw mula sa pesta ng ipinaratang na diskriminasyon. Ang OCR ay maaaring pahabain ang 180-araw na panahong itinakda kung may maipakita kang magandang dahilan.

Idagdag ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong nakasulat na reklamo, o humiling ng "Discrimination Complaint Form" mula sa pang Rehiyong o Punong Taggapan ng OCR (ang mga reklamo ay kailangang may pirma ng nagrereklamo o ng awtorisadong kinatawan):

Ipadala ang iyong reklamo sa pang Rehiyong Tagapamahala sa angkop na Tanggapang Pangrehiyon ng OCR, o sa lugar na nakalagay sa ibaba.

Sa pagkatanggap, rerepasuhin ng OCR ang mga impormasyong ibinigay. Kung aming mapag-alaman na wala kaming kapangyarihang imbestigahan ang iyong reklamo, gagawin nami kung posible na isangguni ito sa karapat-dapat na ahensiya. Ang mga reklamong ipinaratang sa diskriminasyon sa trabaho batay sa disabilidad laban sa isang indibidwal ay maaaring isangguni sa "U.S. Equal Employment Oppuntunity Commission" para sa proseso.

Ang mga pribadong indibidwal ay maaari ring magsampa ng litigasyon laban sa pampublikong entidad upang ipatupad ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng Seksyon 504 at ng ADA; at maaaring tumanggap ng ginahawang kautusang, bayad-pinsala, at makatuwirang upa sa abugado.

PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON, MAKIPAG-UGNAYAN SA:

Director
Office for Civil Rights
U. S. Department of Health and Human Services
200 Independence Avenue, SW - Room 509-F
Washington, D.C. 20201

Hotlines 1-800-368-1019 (voice) 1-800-537-7697 (TDD)
E-mail: ocrmail@hhs.gov Website: http://www.hhs.gov/ocr

(H-141/June 2000)
Your Rights under Section 504 and the Americans with Disabilities Act