Fact Sheet Logo
Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng Amerika • Tanggapan para sa mga Serbisyong Sibil • Washington, D.C. 20201, • 202-619-0403

ANG IYONG MGA KARAPATAN SA ILALIM NG BATAS NG MGA AMERIKANONG MAY KAPANSANAN

Ano ang Batas sa mga Amerikanong may Kapansanan?

Ang Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990 ay nagbibigay ng malawak na proteksiyon sa mga karapatang sibil sa mga indibidwal na may mga kapansanan sa lugar ng pagtatrabaho, estado at serbisyo ng lokal na gobyerno, pampublikong akomodasyon, transportasyon, at telekomonikasyon.

Sino ang pinoprotektahan sa ilalim ng ADA?

Ang ADA ay pumoprotekta sa mga kwalipikadong indibidwal na may kapansanan. Ang indibidwal na may kapansanan ay isang tao na may pisikal o pag-iisip na kahinaan na lumilimita sa mga pangunahing gawain sa buhay; ang talaan ng kahinaan, o tinuturing na may gayong kahinaan. Ang mga pangunahing mga gawain sa buhay ay nangangailangan ng mga tungkulin katulad ng pangangalaga sa sarili, pagsasagawa ng gawaing manwal, paglalakad, paningin, pakikinig, pananalita, paghinga, pagkatuto at pagtatrabaho. Sa ilalim ng ADA ang kwalipikadong indibidwal na may kapansanan ay ang taong may kapansanan na nakatugon sa lahat ng kailangan upang tumanggap ng serbisyo o lumahok sa mga programa o mga gawain. Bagamat ang partikular na kondisyon ay tumutugon sa disabilidad sa ADA ay depende rin sa bawat kaso,

Kabilang sa pisikal o mental na mga kahinaan, ngunit hindi limitado sa: paningin, pananalita at pakikinig, kakulangan sa pag-iisip, karamdamang emosyonal at tanging kapansanan sa pagkatuto, paralisis sa utak, epilepsiya, maskular na distropiya, isklerosis, ortopedik na kondisyon, kanser, sakit sa puso, diyabetes at nakahahawa at di-nakahahawang mga sakit katulad ng tuberkulosis at HIV na sakit (Alinman sa may sintomas o walang sintomas).

Ano Ang Titulo II ng ADA?

Titulo II ng ADA ay nagbabawal ng diskriminasyon laban sa mga kwalipikadong indibidwal na may kapansanan batay sa kawalang kakayahan sa mga programa, mga gawain, at mga serbisyo ng pampublikong entidad. Ang pampublikong entidad ay kabilang ang estado at lokal na gobyerno at ang kanilang mga kagawaran at mga ahensiya. Ang Titulo II ay tumutukoy sa mga gawain, mga serbisyo at mga programa ng pampublikong entidad.

Ang tanggapan para sa mga serbisyong sibil (OCR) sa loob ng Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng Amerika ay naglaan ng pagpapatupad ng tungkulin sa ilalim ng Titulo II ng ADA para sa estado, at lokal na pangangalaga sa kalusugan at mga ahensiya ng serbisyong pantao.

Mga Tiyak na Pangangailangan

Ang pampublikong entidad ay hindi maaaring:

Ang mga pampubliko entidad ay kinakailangang:

Sino Ang Maaaring Magsampa ng Reklamo sa OCR?

Ang sino mang indibidwal na naniniwalang siya o grupo ng mga indibidwal ay nadiskrimina batay sa kapansanan, sa mga programang pangkalusugan o pantao o mga gawain na isinasagawa ng entidad, ay maaaring magsampa ng reklamo sa OCR. Ang mga reklamo ay kailangang maisampa sa loob ng 180 araw simula sa petsa ng paghihinala ng diskriminasyon. Maaaring pahabain sa mahigit na 180 araw na termino kung maipapakita mo na may "magandang dahilan."

Idagdag ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong nakasulat na reklamo, o humiling ng dokumento ng reklamo sa diskriminasyon mula sa OCR sa Pangrehiyon o Himpilang tanggapan ( kailangan lagdaan ang reklamo ng taong nagrereklamo o awtorisadong kinatawan):

Ipadala ang iyong reklamo sa Tagapangasiwa ng Rehiyong angkop sa Pangrehiyong Tanggapan ng OCR, o sa lugar na nakalagay sa ibaba. Kapag natanggap, rerepasuhin ng OCR ang impormasyong ibinigay. Kung napag-alaman naming wala kaming karapatan na magsiyasat sa iyong reklamo, isasangguni namin kung posible sa nararapat na ahensiya. Ang mga reklamong ipinaratang ng diskriminasyon sa trabaho batay sa kapansanan laban sa isang indibidwal, ay maaaring isangguni sa U.S. Equal Opportunity Commission para sa proseso.

Ang pribadong mga indibidwal ay maaari ring magsampa ng mga reklamo laban sa isang pampubliko entidad upang ipatupad ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng Titulo II ng ADA; at maaaring tumanggap ng katarungan, pagbabayad sa kanilang kapinsalaan, at mga murang upa sa abugado.

Para sa Karagdagang Impormasyon, Makipag-ugnayan sa:

Director
Office for Civil Rights
U. S. Department of Health and Human Services
200 Independence Avenue, SW - Room 509-F
Washington, D.C. 20201

Hotlines 1-800-368-1019 (voice) 1-800-537-7697 (TDD)
E-mail: ocrmail@hhs.gov Website: http://www.hhs.gov/ocr

(H-8/June 2000)
Your Rights under the Americans with Disabilities Act