Fact Sheet Logo
Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng Amerika • Tanggapan para sa mga Serbisyong Sibil • Washington, D.C. 20201, • 202-619-0403

ANG IYONG MGA KARAPATAN SA ILALIM NG BATAS NG DISKRIMINASYON SA EDAD
(sa Pederal na Pondo ng mga Programa ng Kalusugan at Serbisyong Pantao)

ANG TANGGAPAN PARA SA MGA KARAPATANG SIBIL

Ang Tanggapan para sa mga Karapatang Sibil (OCR) ng Kagawaran ng Kalusugan at mga Serbisyong Pantao (DHHS) ng Amerika ay nagpapatupad ng mga Pederal na batas na nagbabawal ng diskriminasyon sa pamamagitan ng tulong-pangkalusugan at mga nagbibigay ng serbisyong pantao na tumatanggap ng mga pondo mula sa DHHS. Ang batas na yaon ay ang Batas ng Diskriminasyon sa edad ng 1975.

ANO ANG BATAS NG DISKRIMINASYON SA EDAD?

Ang Batas ng Diskriminasyon sa Edad ng 1975 ay isang batas na nagbabawal sa diskriminasyon batay sa edad, mula sa mga programa o mga gawain na tumatanggap ng Pederal na tulong-pinansiyal. Ang Batas ng Diskriminasyon sa Edad ay tumutugon sa mga tao sa lahat ng edad. Hindi sinasakop ang Diskriminasyon sa Trabaho. (Ang Batas ng Diskriminasyon sa Trabaho ay sumasaklaw sa mga gawain at programa sa trabaho, maging sa publiko at pribadong mga sektor, at sumasaklaw lamang sa mga tao na may edad na higit sa 40. Ang mga reklamo sa ilalim sa Batas ng Diskriminasyon sa Edad sa Trabaho ay dapat ipadala sa Komisyon ng Pantay na Oportunidad sa Trabaho (Equal Employment Opportunity Commission, Washington D.C. 20506.)

Ang Batas ng Diskriminasyon sa Edad at ang regulasyon sa edad ng DHHS (na matatagpuan sa ika-45 ng CFR, bahagi 91) ay sumasaklaw sa bawat tumatanggap ng DHHS. Gayundin, ang Batas ng Diskriminasyon sa Edad ay naglalaman ng mga tiyak na kalabisan na nagpapahintulot sa ilalim ng limitadong mga pangyayari, paggamit ng mga kaibahan o kadahilanan maliban sa edad na maaaring may di-pantay na epekto batay sa edad. Halimbawa, ang Batas ng Diskriminasyon sa Edad ay hindi sumasaklaw sa:

Ang kaibahan sa edad na nakalaman sa yaong bahagi ng Pederal, Estado o lokal na batas o ordinansa na kinupkop ng nahalal na pangkalahatang kinatawan ng lehislatibong layunin na:

PAANO MAGSAMPA NG REKLAMO SA OCR?

Ang mga reklamo sa diskriminasyon sa edad na sumasakop sa mga tumatanggap at nakikinabang sa DHHS ay maaaring isampa sa OCR ng indibidwal, klase, o ng pangatlong partido, sa loob ng 180-araw mula sa petsa ng ipinaratang na aktong diskriminatoryo. (Ang OCR ay maaaring pahabain ang 180-raw kung maganda ang ipinakitang dahilan.) Idagdag ang mga sumusunod na impormasyon sa inyong nakasulat na reklamo, o humiling ng dokumento ng reklamo sa diskriminasyon mula sa OCR:

Ipadala ang reklamo sa pangrehiyong tanggapan ng OCR sa ibaba o sa himpilang lugar ng Washington, D.C. na nasa unahan ng "Fact Sheet" na ito.

ANO ANG MANGYAYARI PAGKATAPOS MONG MAGSAMPA ng reklamo sa Batas ng Diskriminasyon sa Edad?

Pagkatanggap, hihirangin ng OCR ang lahat ng mga reklamo at ibibigay yaong naglalarawan ng mga kilos na sakop ng Batas ng Diskrimnasyon sa Edad at naglalaman ng mga importanteng impormasyon sa Pederal na Tagapamagitan at Serbisyong Konsilasyon (Federal Mediation and Conciliation Service-FCMS).

Ang mga nagrereklamo at tumatanggap ng reklamo ay kailangan sumali para maabot ang mutwal na kasunduan ng nagreklamo. Maliban kung pinahaba ang proseso ng pagkakasundo ng FMCS ay magtatagal ng hindi hihigit sa 60-araw mula sa petsa ng isinampang reklamo sa OCR. Ang OCR ay hindi na maaari pang gumawa ng anumang aksiyon sa reklamo na matagumpay ng naresolbahan. Datapwa't, ang OCR ay mag-iimbestiga sa mga reklamo na hindi pa naresolba ng FMCS sa pamamagitan ng pagkakasundo, o kung ang mga kaso ay mabubuksan dahilan sa ang kasunduan ay nilabag.

Ang nagrereklamo ay maaaring magsampa ng aksiyong sibil sa loob ng 180-araw mula sa petsa ng isinampang reklamo sa OCR kung ang DHHS ay walang ginawang aksiyon, o mula sa petsa na DHHS ay gumawa ng determinasyon sa panig ng inirereklamo, kung anuman ang mauna. Datapwa't walang pribadong demanda ang tatanggapin kung may aksiyong natigil na sumasangkot sa parehong alegasyon at parehong inirereklamo. Ang nagrereklamo ay may pagpipilian, maaaring magsampa ng aksiyong sibil, kung papayagan, o hayaang ang OCR ay magpatuloy ng reklamo sa pamamagitan ng administratibong mga proseso. Anuman ang pinagpiliang napili, pananatilihin ng OCR ang pagpapatupad ng mga gawain kahit na ang demanda sa pribadong korte ay isinampa.

Kapag napagpasiyahan na ang iyong reklamo ay wala sa sakop ng kapangyarihan ng OCR , maaari itong ipadala ng OCR sa tamang ahensiya na maaring makatulong sa iyo.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa:

Director
Office for Civil Rights
U. S. Department of Health and Human Services
200 Independence Avenue, SW - Room 509-F
Washington, D.C. 20201

Hotlines 1-800-368-1019 (voice) 1-800-537-7697 (TDD)
E-mail: ocrmail@hhs.gov Website: http://www.hhs.gov/ocr

(H-13/Jan 2001)
Your Rights under the Age Discrimination Act