Fact Sheet Logo
Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng Amerika • Tanggapan para sa mga Serbisyong Sibil • Washington, D.C. 20201, • 202-619-0403

ANG MGA KARAPATAN MO SA ILALIM NG PROBISYON NG PANGKOMUNIDAD NA SERBISYONG KASIGURUHAN NG BATAS NG HILL-BURTON

Ano ang Hill-Burton?

Ang Batas ng Hill-Burton ay nagpapahintulot ng tulong sa publiko at mga iba pang di-nagpapatubong mga pasilidad na pangkalusugan katulad ng pangkalahatang ospital sa pag-aalaga para sa malulubha, mga ospital na espesyal, bahay-alagaan, pampublikong gusali ng kalusugan, at ang mga pasilidad para sa rehabilitasyon.

Ang Pangkomunidad na Serbisyong Kasiguruhan sa ilalim ng Titulo VI ng Batas ng Serbisyong Pambubliko na itinatakda sa lahat ng mga tumatanggap ng pondo sa Hill-Burton ay maglaan ng mga serbisyong isinasagawa ng pasilidad para sa mga tao na nakatira sa sakop ng lugar kung saan isinasagawa ang mga serbisyo ng pasilidad na walang diskriminasyon batay sa lahi, kulay, bansang pinangalingan, pananampalataya, o anumang dahilang walang kaugnayan sa pangangailangan ng mga indibidwal para sa mga serbisyo o magagamit ng mga indibidwal ang pasilidad. Ang mga pangangailang ito ay tumutukoy din sa mga taong nagtratrabaho sa pinaglilingkurang lugar ng pasilidad kung ito ay pinupondohan sa ilalim ng the Titulo XVI ng Batas ng Pampublikong Serbisyong Pangkalusugan. Mangyaring tandaan na ang obligasyong serbisyong komunidad ay hindi kinakailangang ang pasilidad ay gumawa ng mga di-emerhensiyang serbisyo na bukas sa mga taong hindi makapagbabayad para sa kanila. Subalit, iniuutos nito sa mga pasilidad na magsagawa ng mga serbisyong emerhensiya na walang pagtingin sa kakayahan ng taong makabayad.

May mga pangunahing pangangailangan na ang bawat ospital ng Hill-Burton o iba pang pasilidad ay kinakailangang tumugon upang mapunuan ang obligasyong serbisyong pangkumunidad:

Ang buong regulasyon ng Departamento ng Kalusugan at mga Serbisyong Pantao ng Hill-Burton ng Amerika ay matatagpuan sa 42 CFR Bahagi 124.

Para sa impormasyon kung papaano makapagsasampa ng reklamo tungkol sa diskriminasyon, o sa pagkuha ng impormasyon na may kaunayan sa mga karapatang sibil, mangyari lamang makipag-ugnayan sa amin. Ang mga empleyado ng Tanggapan ng mga Karapatang Sibil (OCR) ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang maibigay ang mabilis na serbisyo.

Hotlines 1-800-368-1019 (voice) 1-800-537-7697 (TDD)
E-mail: ocrmail@hhs.gov Website: http://www.hhs.gov/ocr

Your Rights Under the Community Service Assurance Provision of the Hill-Burton Act
(H-29/June 2000)