Fact Sheet Logo
Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng Amerika • Tanggapan para sa mga Serbisyong Sibil • Washington, D.C. 20201, • 202-619-0403

ALAMIN ANG IYONG MGA KARAPATANG SIBIL!

ANG TANGGAPAN PARA SA MGA KARAPATANG SIBIL

Ang Tanggapan para sa mga Karapatang Sibil (OCR) ng kagawaran ng kalusugan at mga serbisyong pantao (DHHS) ng Amerika ay nagpapatupad ng Pederal na batas na nagbabawal ng diskriminasyon sa pamamagitan ng tulong pangkalusugan at sa mga tagapagbigay ng mga serbisyong pantao na tumatanggap ng mga pondo mula sa DHHS. Ang mga batas na yaon ay kabilang ang titulo VI ng batas ng 1964 ng mga karapatang sibil, seksiyon 504 ng Batas ng Rehabilitasyon ng 1973, titulo II ng Batas ng mga Amerikanong may Kapansanan ng 1990, ang Batas ng Diskriminasyon sa Edad noong 1975, at ang probisyong Kasiguruhang Serbisyong Komunidad ng Batas ng Hill-Burton.

Ang Diskriminasyon ay Labag sa Batas!

Ang katotohanang pahinang ito ay nagpapaliwanag ng iyong mga karapatan na tumanggap ng mga serbisyo at benepisyo sa mga programa at mga gawain na pinopondohan ng DHHS. May mga Pederal na batas ng mga karapatang pantao na nagbabawal ng diskriminasyon sa mga katulad na programa at mga gawain batay sa :

Lahi Kulay Bansang Pinanggalingan
Kapansanan Edad Kasarian
  Relihiyon  

Ilan sa mga institusyon, mga programa at mga tagapagbigay ng serbisyo na maaaring tumatanggap ng mga pondo mula sa DHHS ay ang mga:

PAANO MAGSAMPA NG REKLAMO SA DISKRIMINASYON SA OCR?

Kung sa paniniwala mo ikaw ay dinidiskrimina batay sa lahi, kulay, bansang pinanggaligan, kapansanan, edad, at sa ibang pagkakataon sa kasarian o reliyon, ng isang entidad (tumatanggap) ng pinansiyal na tulong mula sa DHHS, ikaw o ang iyong kinatawan ay maaaring magsampa ng reklamo sa OCR. Ang mga reklamo ay nararapat na nakasampa na sa loob ng 180-araw mula sa petsa ng ipinaratang na ginawang diskriminitoriong. Ang OCR ay maaaring pahabain ang 180-araw na katapusan kung may maipapakita kang magandang dahilan.

Idagdag ang mga sumusunod na impormasyon sa nakasulat na reklamo o humiling ng porma para sa reklamo sa diskriminasyon mula sa OCR.

Ipadala ang reklamo sa Pangrehiyong Pamunuan sa angkop na Pangrehiyong Tanggapan ng OCR o sa Himpilan ng OCR sa sumusunod na lugar:

Director
Office of Civil Rights
U.S. Department of Health and Human Services
200 Independence Avenue, SW.
H.H.H. Building, Room 509-F
Washington, D.C. 20201
Telephone: (202) 619-0403
E-mail :ocrmail@hhs.gov
Website :http://www.hhs.gov/ocr/

Para sa impormasyon sa mga lugar at mga numero ng telepono ng Pangrehiyong Tanggapan ng OCR, o para kumuha ng impormasyong may-kaugnayan sa mga kaparapatang sibil, mangyaring tumawag sa sumusunod na walang bayad na numero ng OCR. Ang mga empleyado ng OCR ay gagawin ang lahat ng makakaya upang magbigay ng mabilis na serbisyo.

Voice:1-800-368-1019
TDD:1-800-537-7697

(H - 14 / June 2000)
Know your Civil Rights