Fact Sheet Logo
Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng Amerika • Tanggapan para sa mga Serbisyong Sibil • Washington, D.C. 20201, • 202-619-0403

ANG IYONG MGA KARAPATAN SA ILALIM NG TITULO VI NG BATAS NG MGA KARAPATANG SIBIL NG 1964

Ano ang Titulo VI?

Ang Titulo VI ng Batas ng mga Karapatang Sibil ng 1964 ay isang pambansang batas na pumuprotekta sa mga tao mula sa diskriminasyon batay sa kanilang lahi, kulay o bansang pinanggalingan sa mga programa at mga gawain na tumatanggap ng pederal na tulong-pinansiyal. Kung ikaw ay karapat dapat para sa "Medicaid", o iba pang tulong pang kalusugan, o mga serbiyong pantao, hindi ka maaaring tanggihan ng tulong dahilan sa iyong lahi, kulay, o bansang pinanggalingan. Ang tanggapan para sa mga Karapatang Sibil (Office for Civil Rights-OCR) ng kagawaran ng Kalusugan at mga Serbisyong Pantao(Department of Health and Human Services-DHHS) ng Amerika ay nagpapatupad ng TituloVI, gayundin ng iba pang mga batas ng mga karapatang sibil.

Ang ilan sa mga institusyon o mga programa na maaaring sakop ng Titulo VI ay ang mga:

Ang mga Ipinagbabawal na Kilos

Maraming iba-ibang klase ng ilegal na diskriminasyon batay sa lahi, kulay o bansang pinanggalingan na madalas na nagpapaunti ng mga oportunidad ng mga minoriya na makakuha ng pantay na karapatan sa mga serbisyo. Ang tumatanggap ng pederal na tulong-pinansiyal ay maaaring hindi batay sa lahi, kulay o bansang pinanggalingan:

Maraming karaniwang gawaing diskriminatoryo ang mga nakilala sa regulasyon ng Titulo VI ng DHHS na natagpuan sa ika-45 ng CFR, batas 80. Para sa impormasyon kung paano magsampa ng reklamo sa diskriminasyon , o para kumuha ng impormasyon sa uri ng mga karapatang sibil, mangyaring tumawag sa amin. Ang mga empleyado ng OCR ay gagawin ang lahat upang magbigay ng mabilis na serbisyo.

Hotlines 1-800-368-1019 (voice) 1-800-537-7697 (TDD)
E-mail: ocrmail@hhs.gov Website: http://www.hhs.gov/ocr

Your Rights Under Title VI of the Civil Rights Act of 1964
(H-9/June 2000)