Skip Navigation Links
Centers for Disease Control and Prevention
nav image
nav image CDC Home Search Health Topics A-Z nav image
West Nile Virus
" "
West Nile Virus Home DVBID Home Search West Nile Virus pages Site Index Contact Us West Nile Virus
  West Nile Virus Basics  
  · Avoid Mosquito Bites  
  · Fact Sheet  
  · Q & A  
  Specific Topics  
  · Maps & Human Cases  
  · Clinical Guidance  
  · Lab Guidance  
  · Workplace Safety  
  · Background  
  · Ecology/Virology  
  · Education/Training  
  Resources  
  · In the News  
  · Publications  
  · Conferences  
  · Related Links  
  · State & Local Government Sites
 
  · Guidelines for Surveillance, Prevention, & Control Adobe Acrobat Reader PDF (254 KB/77 pages)  

English | Español | Chinese | Tagalog | Vietnamese

Mga Sintomas ng Impekyon ng West Nile Virus Isinapanahon! 7/21/2004

Q. Ano ang mga sintomas ng impeksyon ng West Nile virus (WNV)?
A.
Ang impeksyon ng WNV ay maaaring walang mga palatandaan (walang mga sintomas), o maaaring humantong sa Lagnat ng West Nile o malubhang sakit ng WNV.

Tinatantiya na mga 20% ng mga tao na naimpeksyon ng WNV ay magkakaroon ng Lagnat ng West Nile. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, pagkahapo, at pananakit ng katawan, paminsan-minsan ay butlig-butlig sa balat (sa puno ng katawan) at namamagang lymph glands. Habang ang sakit ay maaaring tumagal ng ilang araw lamang, kahit na ang malulusog na tao ay nag-ulat na nagkasakit sa maraming linggo.

Sa mga sintomas ng malubhang sakit (tinatawag ding sakit na sumasalakay sa nerbiyos o “neuroinvasive disease”, tulad ng West Nile encephalitis o meningitis o West Nile poliomyelitis) ay kabilang ang sakit ng ulo, mataas na lagnat, paninigas ng leeg, pagkatuliro, pagkawala ng pang-unawa, pagkawala ng malay, panginginig, kombulsyon, panghihina ng kalamnan, at pagkalumpo. Tinatantiya na humigit-kumulang na 1 sa 150 taong naimpeksyon ng WNV ay magkakaroon ng malubhang sakit. Ang seryosong sakit ay puwedeng mangyari sa mga tao anuman ang edad; gayunman, ang mga taong higit sa 50 taong gulang at ilang taong mahina ang sistema ng paglaban sa sakit (halimbawa, mga pasyente ng pagpapalit ng bahagi ng katawan) ay nasa pinakamalaking panganib na magkaroon ng malubhang sakit kapag naimpeksyon ng WNV.

Karamihan sa mga tao (mga 4 mula sa 5) na naimpeksyon ng WNV ay hindi magkakaroon ng kahit anong mga sintomas (isang impeksyon na walang sintomas); gayunman, hindi mo malalaman nang maaga kung magkakasakit ka o hindi kapag naimpeksyon.

Q. Ano ang panahon ng inkubasyon sa mga tao (i.e., panahon mula sa impeksyon hanggang sa paglabas ng mga sintomas ng sakit) para sa sakit ng WNV?
A.
Karaniwan ay 2 hanggang 14 araw.

Q. Hanggang kailan tumatagal ang mga sintomas?
A.
Ang mga sintomas ng Lagnat ng West Nile ay pangkaraniwang tumatagal ng ilang araw, bagaman may ilang malulusog na tao na nag-uulat na ang kanilang sakit ay tumatagal ng maraming linggo. Ang mga sintomas ng malubhang sakit (encephalitis o meningitis) ay maaaring tumagal ng maraming linggo, at ang ilang mga epekto sa nerbiyos ay maaaring maging permanente.

Q. Ano ang kahulugan ng West Nile encephalitis, West Nile meningitis, West Nile poliomyelitis, “sakit na sumasalakay sa nerbiyos”, at Lagnat ng West Nile?
A.
Ang pinakamalubhang uri ng sakit ng isang taong naimpeksyon ng WNV kung minsan ay tinatawag na “sakit na sumasalakay sa nerbiyos” dahil ito ay nakakaapekto sa sistema ng nerbiyos ng tao. Kabilang sa mga uri ng sakit na sumasalakay sa nerbiyos: West Nile encephalitis, West Nile meningitis, West Nile meningoencephalitis at West Nile poliomyelitis. Ang encephalitis ay pamamaga ng utak, ang meningitis ay isang pamamaga ng lamad sa paligid ng utak at gulugod, ang meningoencephalitis ay pamamaga ng utak at ng lamad sa paligid nito, at ang poliomyelitis ay pamamaga ng gulugod.

Ang Lagnat ng West Nile ay isang uri ng karamdaman na puwedeng mangyari sa mga taong naimpeksyon ng virus. Ito ay binubuo ng lagnat, sakit ng ulo, pagkahapo, pananakit at kung minsan ay singaw o butlig-butlig sa balat. Bagaman ang sakit ay maaaring tumagal ng ilang araw lamang, kahit na ang malulusog na tao ay nagkasakit sa maraming linggo.

Q. Kung ako ay may Lagnat ng West Nile, ito ba ay maaaring maging West Nile encephalitis?
A.
Kapag may naimpeksyon ng West Nile virus (WNV) ang mga ito ay pangkaraniwang nagkakaroon ng isa sa tatlong bunga: Walang sintomas (malamang), Lagnat ng West Nile (sa mga 20% ng mga tao) o malubhang sakit ng WNV, tulad ng meningitis o encephalitis (kulang sa 1% ng mga naimpeksyon). Kung nagkaroon ka ng mataas na lagnat na may matinding sakit ng ulo, sumangguni sa iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan.

Ang Lagnat ng West Nile ay binubuo ng mga sintomas na tulad ng lagnat, pananakit ng katawan, sakit ng ulo at kung minsan ay namamagang lumph glands at singaw o butlig-butlig sa balat. Ang Lagnat ng West Nile [masyadong marami nang pagpapaikli] ay pangkaraniwang tumatagal ng ilang araw lamang, bagaman sa ilang kaso ang mga sintomas ay iniulat na mas nagtagal, umabot ng maraming linggo. Ang Lagnat ng West Nile ay anyong hindi nagiging sanhi ng mga permanenteng epekto sa kalusugan. Walang tiyak na paggamot para sa impeksyon ng WNV. Ang mga taong may Lagnat ng West Nile ay kusang gumagaling, bagaman ang mga sintomas ay puwedeng maalis sa pamamagitan ng iba-ibang paggamot (tulad ng gamot sa sakit ng ulo at pananakit ng katawan, atbp.).

May mga tao na maaaring magkaroon ng saglit, mala-Lagnat ng West Nile na sakit (maagang sintomas) bago sila magkaroon ng malubhang sakit ng WNV (sakit na sumasalakay sa nerbiyos), bagaman ang persiyento ng mga pasyente na nangyayari ito ay hindi alam.

Paminsan-minsan, ang isang naimpeksyong tao ay maaaring magkaroon ng malubhang sakit tulad ng “West Nile encephalitis,” “West Nile meningitis” o “West Nile meningoencephalitis.” Ang encephalitis ay pamamaga ng utak, ang meningitis ay isang pamamaga ng lamad sa paligid ng utak at gulugod, ang meningoencephalitis ay pamamaga ng utak at ng lamad sa paligid nito. Bagaman walang kailangang paggamot sa impeksyon ng WNV, ang taong may malubhang sakit ay madalas na kailangang ipaospital. Ang pangangalaga ay maaaring ang pagbibigay ng likido sa pamamagitan ng mga ugat (IV fluids), suporta sa paghinga, at pagpigil ng mga sekundaryong impeksyon.


Top of Page


CDC Home | Search CDC | Health Topics A-Z

Page last modified July 21, 2004

Privacy Policy | Accessibility